Seksyon 12, Song of Myself

Ang utusang lalaking magkakarne ay nagtatanggal ng kanyang damit-pangkatay, o naghahasa ng kanyang kutsilyo sa puwesto sa palengke,
Ako ay tumambay habang nalilibang sa kanyang repartee at sa kanyang pagbalasa at panlulupaypay.

Mga panday na marungis at balbunin ang dibdib ay nakapaligid sa palihan,
Bawat isa ay may kanya-kanyang pangunahing maso, ibinibigay nila ang todo, may isang napakalaking silakbo sa apoy.

Mula sa bukana ng nagkalat na baga sinusundan ko ang kanilang mga kilos,
Ang malambot na lubos ng kanilang mga baywang ay pumapantay sa kanilang matitipunong braso,
Amba ang mga pamukpok ay umuunday, ambang napakabagal, ambang napakasigurado,
Hindi sila nag-aapura, bawat lalaki ay humahataw sa kanyang kinatatayuan.